Brontok: Computer virus
Clap! Clap! Clap! Napractice ko na naman ang pagiging certified t-a-n-g-a ko. Paano kasi ginawa kong diary ang laptop ko sa loob ng ilang buwan dahil hindi ko makita ang journal ko. Dahil sa isang katangahan nagkaroon ng BRONTOK ang laptop ko. Pero ang mas matinding katangahan doon ay ang pagpapareformat ng walang back up ng mga files ko. Galing diba? Akala ko kasi may back-up na ako. Hay nag-assume na naman ako. Oo na sakit ko na kasi yun. Kaya goodbye sa mga journal entries ko at sandamakmak ng mga pictures. Yun pa naman yung mga blogs ko na ayaw kong ipost sa mga accounts ko dahil puro lang pagmomoda ang laman at pix na ako lang ang may kopya, sayang talaga! Ganito rin ang feeling ko noong nawala yung usb ko noong mga panahong lukabells na ako sa manuscript ko pero wala akong magawa dahil kasalanan ko. Careless, oo na ako yun!
Tumunog ang cellphone ko habang bc ako sa pagrarant sa pagkawala ng files ko. One message received sabi ng cellphone ko. Nagulat ako dahil nag pa-enlist na naman ang friend ko sa samahan ng mga wasak. “Hay! na-virus na naman si girl,” yun ang unang pumasok sa isip ko. Akala kc ng lahat okey na siya. Pano ba naman, navirus na kasi siya dati, feeling namin nakahanap na siya ng antivirus kasi mukhang masaya na ulit siya. Hindi na siya iyak ng iyak. Hindi na siya nagmumukmok at bida na ulit sa mga kwentuhan. Napagod na rin siya sa pagawa ng mga ‘music video’ sa tuwing nakakarelate siya lyrics ng mga kanta. Tinamad na rin siyang magforward ng mga love quotes kahit na di siya unli. Marunong na rin siyang tumawa, halakhak pa kung minsan. Napapagod siya di dahil sa minu-minutong pagmomoda pero dahil bc siya sa mga prod at org meetings. Oo umiinom pa rin siya at nagyoyosi, pero dahil raw sa pakikisama yun at di dahil bitter pa rin siya. Steady na ulit siya, sabi niya! Akala namin virus free na ulit siya.
Siguro, freeware lang yung ginamit niyang antivirus, parang avg o kaya nod32. Madaling hanapin, mabilis kunin kaso panandalian lang ang epekto. Ngayon nasasaktan naman tong kaibigan ko siguro tapos na ang trial period ng antivirus o siguro nakalimutan niyang mag-update. O baka naman dahil matindi lang talaga yung virus na tumama sa kanya kaya hindi pa rin nauubos yung mga virus. Siguro may brontok siya gaya ng laptop ko.
Dahil kampante ako sa antivirus ko hindi ko napansin na inactive ang firewall ko, outdated nap ala ang antivirus at anti spyware ko. In short, kasalanan ko naging pabaya ako. I let my guards down, wala man lang depensa ang kawawang laptop ko. Parang tong nagtext sakin, siguro nagpabaya rin siya. Mahal niya kaya nagpakatanga siya. Baka hindi niya napansin yung mga hidden files, madalas yun ang hindi nasscan kasi kaya kalat na ang virus bago pa niya mamamalayan. Ayon huli na ng mapansin niya na virtual memory low na siya. Parang yung laptop ko na 48 years bago magboot, hindi na nagfufunction ng maayos. Hindi na ako magtataka kung ang sunod niyang text ay inuman na naman. Feeling ko hindi siya wasak ngayon, Durog siya!
Minsan naisip ko na kung pwede lang na ireformat ko siya para lang matanggal ang ka-bitteran niya sa buhay ay matagal ko ng ginawa. Tatlo ang naisip kong pwedeng mangyari kung irereformat siya. Una, ang magka-amnesia siya, at least makakalimutan niya na siya ang mother queen sa kaharian ng mga ampalaya, parang no more tears tagline ng johnson’, pangalawa; ipanganak siya ulit, good as brand new ulit siya at pangatlo ang madeads siya, para wala na siyang maramdaman. Pero malabo tong mga options na naisip ko.
Kaya nga mas nirerecomenda ko na maghanap na lang siya ng antivirus. Ang downside naman ng paggamit ng antivirus ay mahirap maghanap ng compatible sayo, masyadong marami hindi mo alam kung alin doon yung effective, mahal ang market value dahil may pangalan. Hindi madaling maghanap ng effective na antivirus dahil sa dami ng taong nangangailangan nito, paunahan na lang ang labanan. Minsan taon pa ang bibilangin mo bago ka makakita ng para sayo. Kailangan mong sumubok ng sumubok bago mo mahanap yung compatible sa system mo. At sa proseso ng paghahanap pwedeng mas lumala ang virus sa system mo, pwedeng mas kumalat pa to hanggang sa magcrash na yung hard drive mo. Patiyagaan na lang sa paghahanap ng antivirus. Marami na rin akong mga kaibigan nagkavirus meron pa nga silang wasak shirt campaign e. Pero yung iba sa kanila nakahanap na ng antivirus na effective. Yung iba naman naghahanap pa rin, kahit raw kukunti na lang sila dahil either gay (babae man o lalake) o kaya naman taken na. Ako? ewan basta ang alam ko dahil sa lecheng BRONTOK maraming nawala sakin. Pero pasalamat na rin ako dahil natuto na ako. Next time around I’ll be more careful at sandamakmak na back-up files ang gagawin ko!